Monday, January 12, 2015

SABAW AT EXTRA RICE


SABAW at EXTRA RICE
by: Buangoi

Kung nababasa mo ito ngayon, malamang araw-araw kang nakakakain ng minimum ng isang meal sa isang araw. Malamang nakatikim ka na ng kanin sa karinderya at ang sikat nilang “Super Espesyal Supreme Sabaw!!!” … pero sa isang karinderya ano nga ba ang unang pinipili bago kumain?

Syempre ang ulam. Pipiliin mo kung ano ang pinakamasarap sa iyong panlasa. Kahit ayaw mo lahat, may isang ulam padin na nakakahigit sa iba na alam mong mas magugustuhan mo kesa sa ibang ulam nila.

<Teka nga Buangoi, bakit pagkain ang topic naten? Hahaha baboy ka, mataba ka na nga pagkain pa iniisip mo hahaha, edi mas tataba ka niyan hahahah!!! BABOY!!!!>

Pucha naman oh!!! sasabihin ko pa lang eh !!!!!

<Oh ano na??? hahahha>

Gusto ko sanang I-Methaphor ang Maindish sa karinderya na Girlfriend / Boyfriend / Shota / kasintahan ganun. Kaso wala na, sira na diskarte ko, pano ko itutuloy yan ngayon eh sinira mo na??? bobo ka animal, bobo ka...

<Bat di mo na lang I backspace kasi? Hahaha ginagawa mo pang excuse yang pagaaway sakin kunwari para mailabas lang yang gusto mong sabihin, hahaha style mo bulok!!! hahahha , ganyan naman writing style mo noon pa!!!! hahahaha wala na bang bago??? >

… bobo ka animal.... bobo ka...

<ituloy mo na, hahahah, haba na ng fillers mo hahaha>

ok... ito na...

so.. ano na nga ba ulit yun... pagkain... masarap ang pagkain... kinakain ang pagkain... sinusubo... ayun

<pucha!!! ayusin mo!!!>

ok.. cge na nga... kakabadtrip kasi...

So ayun nga, ang una mong pipiliin sa isang karinderya ay ang Ulam... kung gusto mo ba ng maanghang, matamis tamis, prinito, mataba o kaya naman gulay . Kung ano trip ng panlasa mo yun ang pipiliin mo tska mo nanamnamin. Usually sapat na dapat ang isang meal mo... ngunit ang iba saatin <karamihan> ay nanghihingi pa ng “Extra rice” .

<uhmm... so kung yung meta mo sa “Ulam” eh yung Jowa... ano yung Extra rice? >

yung “Extra rice” yan yung ibang tao na pumupuno sa kakulangan ng Maindish naten. Kulang siya ng Kanin kaya nagorder pa. Minsan isa, minsan dalawa, pero kung matakaw ka talaga, umaabot ng Unli-rice. Iisang ulam, madaming rice... alam nating lahat na hindi siya kasing sarap ng ulam , pero di mo din makain kapag walang rice... kulang nga kasi... ang mga Extra rice ang pumupuno sa mga pagkukulang ng Ulam...

<so kabet? >

oo... hehe kabet... di ko maintindihan para sa iba ang gutom para kumain ng extra rice... I mean, sabihin nating yung pinili mong ulam eh sobra sobra na para sayo may rice na siya na kasama at pinili mo ito dahil alam mong mabubusog ka na pagmaubos mo siya. Pero bat nag extra rice ka padin? ….

Isa lang naman naisip ko para diyan eh... Di mo macontrol ang sarili mo para Magloko, tulad ng di mo macontrol ang sarili mo sa appetite mo. Disiplina sa sarili. Hindi na ako magbabangit ng mga iba't ibang rason kung bakit pa kumukuha ng Extra rice ang tao. Dahil kung gagawin ko iyon ay aabot ako ng 23 thousand years, makakagawa na ulit ng bagong pyramid sa Egypt tas 375 times na akong magkakaapo...


<sige na ah, kahit konti lang kuya Buangoi :) >

Sige na nga, naghahanap ng Extra rice ang ibang mga tao dahil minsan naamoy nila na bagong luto ang kanin.

<Bagong experience>

Minsan din dahil nakita nilang mas maputi at mas maganda ang sumunod na batch ng kanin.

<Mas maganda>

at ang dahilan ng karamihan ay dahil gutom pa sila

<Hindi pa kuntento kung ano ang meron sila>

haay... pero buti pa ang extra rice, kahit mura... may halaga padin ito. I mean, kahit half rice lang orderin mo, apat napiso rin yun diba?

<oohh so? Di ko gets>

isusunod ko pa lang kasi yung “Sa...

<SABAW!!!! HAHAHAH, ung rice kasi may halaga, ung sabaw wala hahahah!>

sige ikaw na magaling, ikaw na magsulat... ina neto...

<joke sige na kaw na buangoi>

so... ayun nga, sinabi na ng magaling kong utak... bwisit...

walang halaga ang pagiging sabaw... masarap ka nga, magandang tignan, mabango … pero sa huli, isa ka lang parte ng promo ng mga budgetarian na karinderya... libre ka lang, wala kang halaga... pangpalambot ka lang ng kanin kung mashado itong dry... hinihingi ng mga walang pambili ng softdrinks... pampainit ng sikmura sa isang malamig na araw... makikita mo natutuwa sila dahil sa sabaw... makikita mo sila na naiinitan dahil sa sabaw... natutuwa sila dahil hindi na dry ang kanin nila... pero sa huli... hindi padin ikaw nag pinunta nila sa karinderya na iyon... wala kang HALAGA... sabaw ka lang...

<parang ikaw lang hahahahaha>

the fuck??? shut up!!! shut up!!!

< hahahahha, si Buangoi kasi … >

STAPH!!!!

<kaw na kasi magkwento, alam ko naman ikwekwento mo din, gusto mo lang pahabain itong sinusulat mo, alam ko naman na nakasulat na sa utak mo kung pano mo sasabihin, pati itong sinasabi ko ngayon, kaso sinusulat mo padin kasi gusto mo sayangin buhay ng mga nagsusulat sa pagbasa ng mga crap na ginagawa mo araw araw hahahaha >

… nafefeel nyu ba minsan yung tipong nakikipagaway ka sa sarili mo tas natatalo ka... awkward nu

<ikaw lang nakakaramdam nun haahah, dali kwento na>

kaw na lang... hiya ako...

<sure ka?>

oo na kasi.. gawin mo na lang, tulog na ako...

<so ayun nga... si Buangoi kasi ang pinaka magandang exampol para sa sabaw...
Ang main na katangian kasi ng mga sabaw ay ang pagiging “Selfless” … gusto nilang binibigay ang lahat para sa taong iniibig nila kahit alam nilang walang kapalit... kahit alam nilang may boyfriend na yung tao... tas umaaligid aligid padin sila... alam nilang hindi naman sila pipiliin... pero they still try, giving them the feeling of being this assertive guy who never stops loving the person he likes... but little do they know that it's not gonna happen... it never will... sabaw lang... andyan lang kapag kailangan... wala naman magawa ang mga sabaw... kasi customer padin sila... san ka ba nakakita ng karinderyang umaayaw ang sabaw...

walang halaga ang sabaw... >

pero...

<pero ano?>

pero naisip mo ba na minsan ang sabaw at tutong nagiging ulam at pagkain na ikatutuwa na din ng iba?

<so mga desperado? >

oo nga nu... may mga tao na sa sobrang sabik nakumain... kahit tutong at sabaw lang papatulan na nila... mga nagmamadali...

<so... Buangoi... pano nagiging maindish ang mga sabaw at extra rice? >

ewan... sabaw na lang kami forever... extra rice... hangang sa may magkamali na maindish kami... antay ng desperado... ewan ko..

<Buangoi... ang unang step para maging maindish...

  1. stop being a sabaw>

ano daw? Paano naman daw...

<tanga ka kasi, kung lagi mo minamaliit ang sarili mo na sabaw ka, walang mangyayari sau, kung extra rice ka naman, ganun din lang... tumigil ka sa kakaisip na sabaw ka at extra rice ka lang... isipin mo na ikaw ang pinaka masarap na hinain ng Diyos... nagaabang ka lamang ng kakain sayo... o kung gusto mo isipin mo na lang na ikaw naman mamimili ngayon diba? … tama na kaiisip na pagkain ka.. tao ka animal... bat ba ito naisip mo na theme ng blog mo? Gutom ka lang eh>

SHUT UP !!! bat ako makikinig sayo, may girlfriend ka ba???

<tanga to... alam mong hindi ako totoo, isa lang akong imaginary friend mo na kinakausap ka tuwing nagsusulat ka, tingin mo mag kakagirlfriend ako? Hahahha, ayan , naisip mo na may girlfriend ako, edi meron hahaha, girlfriend ko ex mo !!! hahahahaha >

Please... just... fuck.. publish this...  

Friday, October 17, 2014

PINOY LOVE






“Ang buhay ay Pagibig... at ang Pagibig ay buhay... at minsan sa ating paghahanap sa Pagibig, nahahanap natin ang... sarili natin :) “


-Buangoi






Ano nga ba ang Pagibig ng Pinoy? Bakit ito kakaiba kesa sa ibang klase ng Pagibig na nandito sa mundo? Bakit iba ang pares ng tsinelas ko ngayon? Bakit single parin ako ngayon? <kasalanan ni Pnoy yan> Bakit natin sinisisi lahat ng problema naten sa Gobyerno?


Hindi ko sasagutin lahat ng tanong na yan, kasi nga tungkol lang sa Pagibig ng Pinoy ang Blog na ito...


Para saating mga Pinoy, gustong gusto natin ng mga libre, sabi nga ng iba, “mas masarap talaga kapag libre” , so lahat na lang ng libre pinapakyaw, libreng shampoo, kape, ballpen, monay, lunch at sakit ng katawan. Tayong mga Pilipino ang naka master na ng “The Art of Libre” … tayong lahat ay malakas ang pandinig kapag may nagsabing “Libre” , talagang magsisisulputan ang mga Pinoy kung saan man meron, minsan nga kahit hindi na kailangan eh kinukuha padin, kasi nga “Libre” daw, tulad ng mga libreng Libro na pinamimigay ng Gobyerno minsan sa mga mahihirap, makikita mong yung ibang tao eh nakikipagagawan pa para sa libro na hindi naman nila babasahin, libreng Pamaypay ng mga pulitiko at noong naging Med rep ako, hindi din pinatawad ng masa ang Libreng Flyers ng Gamot na ineendorse ko... inisip ko na lang, anong gagawin nila sa flyers? Bakit sila kumuha ng sandamakmak eh hindi naman nila binabasa? … kaya tinanong ko sa sarili ko, bakit nga ba tayo mahilig sa libre?


Sa dami ng kinahihiligang libre ng mga Pinoy, ang pinakapaborito naten ay... <Drumroll>


Ang Pagibig... Libre lang ang Pagibig, hindi siya nabibili, at pinakamasarap kapag shineshare :) kaya karamihan sa mga Pinoy hindi alam pero... adik tayo sa Pagibig... gustong gusto natin ang feeling ng kinikilig, Kaya naging sikat ang mga romantic comedy na palabas na gustong gusto nating gayahin. At kung hindi man, gusto nating higitan pa. Gusto nating maging bida sa sarili nating pelikula. Kasi nga libre din mangarap, haha! Pero oo, adik tayo sa Pagibig. Pero bakit nga ba tayo naadik dito?


Ayon sa Aklatan ng Imbentong research ni Buangoi ay:


Kapag inlove ang Pinoy, feeling naten ang Pogi naten, bakit? Kasi kasama yun sa feeling ng pagiging inlove, nakuha mo ang babaeng nililigawan mo kaya Gwapo ka. Para sa mga babae naman, tumataas pa mas lalo ang kanilang happy hormones kahit may regla sila... <joke hindi nangyayari un kapag may regla sila... > pero kakaiba padin daw ang feeling... <hindi ko actually talaga alam pero inaasume ko na yan ang nafefeel ng mga babae... kasi assuming ako>


Kapag inlove ang mga Pinoy feeling nila kaya nilang gawin lahat... as in lahat, hindi mapakali, kung ano ano naiisip at naiimagine na kung ano ano... yan din ang feeling ng mga taong nagcococaine... kaya nakakaadik... feeling kasi naten nakadrugs tayo... masarap... kakaiba at hindi mo nararamdaman araw araw...


Kapag inlove ang mga Pinoy, nakakalimutan na ibang obligasyon at ibang tao sa buhay naten. Nagiging sila ang Mundo naten... bakit ganun? Tas pag narealize mo na hindi dapat ganun... too late na para maayos pang muli... Karamihan sa mga Pinoy nagmamahal ay hindi na alam kung ano ang tama at mali... pero masaya naman magkamali na may kasama :)


Saan nga ba nagsisimula ang pagibig ng mga Pinoy?


Para sa karamihan, nagsisimula ang Pagibig ng Pinoy sa panliligaw pa lamang.


Maraming klase ng panliligaw... merong moderno at traditional.. kung iisa isahin ko yan, mamaga na mata ko kakatapos netong blog na to.. kaya sasabihin ko na lang kung paano nga ba umpisahan ang panliligaw? Paano mo dapat lapitan ang gusto mong ligawan... syempre, manggagaling nanaman ang mga tips na ito sa Aklatan ng imbentong research ni Buangoi...


  1. Huwang na huwag mong lalapitan ang babaeng gusto mong tanungin ang number habang nakatalikod siya... isa kang “stranger” sakanya kaya dapat hindi mo siya kinakalabit sa likod... ikaw kaya, kalabitin sa likod ng hindi mo kilala, ang tamang pag lapit ay dapat slightly 45 degrees sa harapan niya, huwag mo ding lapitan ng diretso sa harap niya kasi magmumukhang kampante ka mashado <unless yun ang gusto mong impression sakanya> … mas hindi nakakatakot at mas mukhang normal.
  2. Huwag kang matakot kausapin siya, act normal na parang kausap mo lang ang kaibigan mo, “Fake confidence” ang tawag dun. Pekein mo lang hangat kaya mo, at kung masanay ka na sa feeling na yun ay magiging confidence na rin yun pag tumagal.
  3. Huwag mong aaminin na iniistalk mo yung babae... alam ko bago niyo sila lapitan nakita niyo na sila dati pa.. bihira kasi ung kakakita pa lang gusto na lapitan... so kung dati niyo na silang nakikita , huwag niyo munang sabihin “kanina pa kita tinitignan mula 9th floor gang sa food court … at talagang pansin na pansin ko ang iyong mga nunal sa gilid ng iyong ngiti...” creepy yan, go for an easier opener like “Hi, may dumi ba ako sa mata? “ mga random questions like “what is your favorite color?” kunwari nagsusurvey ka. Tas mula dun, ituloytuloy mo na.
  4. Huwag kang maniniwala sa mga Dating tips ni Buangoi...


Karamihan sa mga Pagibig na Pinoy ay inaasa na lang palagi sa “Destiny” … madaming nagaantay na lang sa loob ng kweba nila at iniisip na may isang darating na tao na mag sasabi sakanilang “Ako ang Soulmate mo!”


Kung ganyan ka, para kang naglalaro ng Lotto na hindi tumataya... kahit balibaliktarin mo, hindi ka mananalo... ang tyansa mo na makikita mo ang “Man/Woman of your dreams” ay sobrang liit... hinding hindi makikita ng kahit anong microscope...


Meron siguro dyan na magsasabing... “uy ung girlfriend ko nakilala ko lang sa Leaague of legends, masaya naman kami” … hindi ko naman sinabing mali yun, pero ayokong karamihan sa mga nagbabasa ng blog na to ay uupo na lang at magpapakaadik sa loob ng bahay nila habang hinahanap ang Pagibig. Pag nagaabang ka lang, para ka nalang din nagpatalo sa buhay.


Mahilig tayo maniwala sa mga Soulmates... paano mo nga ba malalaman kung siya na ang soulmate mo? Wala naman talagang nakakaalam kung soulmate mo siya oh hindi eh, kahit makasama mo siya ng 50 years, may mga tao padin na hindi alam kung siya na talaga ang soulmate mo... at huwag mo din minamaliit ang mga batang kinse anyos lamang pero tingin nila nahanap na nila ang soulmate nila... minsan pag naswertehan, sila na talaga ang nagiging magsoulmate... Gusto ko din isipin na pagdating ng 18y/o ay nakita na naten ang soulmate natin... ginawa mo lang siyang kaibigan... ginawa mo lang siyang Bestfriend... or malala, ex mo na siya... nasasayo na nga pero pinakawalaan mo pa. Gusto ko din isipin na pag sinabing soulmate ay hindi na ibig sabihin nun ay hindi na sila magbrebreak... magbrebreak din sila minsan kasi siyempre tao lang tayo, may mga araw na mali talaga ang desisyon naten at malalaman na lang nating mali yun matapos ang ilang taon o minsan mas maaga pa.


Kung meron man nagbabasa ng blog ko, maraming salamat at sinayang niyo ang oras niyo para basahin ang kakarampot na nasa utak ko. Huwag po kayo mashadong nagpapaniwala sakin dahil inaamin kong marami pa akong dapat maranasan at marami padin akong hindi kayang isipin sa ngayon. Ayoko na iexplain ang sarili kong kakulangan kaya pagusapan naman naten ang Pinoy Love ulit, haha


Ngayong nasa “Age of the Copy-Paste” na tayo, madaming quotes na pwede mo makuha sa net. <check nyo naman page ko, dami din quotes dun> minsan yan na lang ang ginagawang libangan ng mga nasa net. Hindi ko naman sinasabing mali ito at dapat may originality ang pagbibigay mo ng magagandang quotes na ibibgay mo sa minamahal mo. Ang akin lang, bigyan niyo naman ng credit ang nakaisip nun, huwag niyong nakawin ang salita ng iba. Wala naman nakakahiya kung sabihin mong “babe, nung nabasa ko to kanina, ikaw naisip ko” . Kesa naman sabihin mong sayo yung quote, nagssinungaling ka pa diba? … wala na tayo sa tinatawag kong “Age of Poetry” kung saan halos lahat ng Pinoy ay nakakagawa ng magandang sining sa kanilang pananalita lamang, halos lahat ng letra nila ay tumutugma, magagandang salitang nakalimutan na ng modernong panahon. At para saakin walang mali dun, kailangan nating umusad para makasabay sa agos ng ating bayan, pero maganda ding balikan ang mga magagandang naidulot ng nakaraan.


Mashado na atang mahaba tong blog na to eh puro walang kwenta naman pinagsusulat ko haha XD magiwan na lang ako ng quote na ginawa ko.


“Ang pagibig ng Pinoy ay parang isang malaking salamin na binubuhat mo sa iyong dalawang kamay, bigat na bigat ka palagi sa pagbubuhat nito, pero masaya ka, kasi nga sa tingin mo, ikaw na ang may pinakamalaki at magandang salamin sa buong mundo. Ngunit darating din ang araw na may isang tao na pagkakatiwalaan mo sa malaki at maganda mong salamin. Ibibigay mo ng buo ito at malalaman na lang sa huli na nahulog niya ito at iniwanan ka na niya sa pirapiraso mong salamin... ngayon pupulutin mo lahat ng pwede pang magamit na salamin at bubuhatin mo ulit... karamihan dito ay matutulis at nakakasugat na, pero masaya ka padin kasi atleast may nasalba ka sa salamin mo... hindi mo mamamalayan na may darating muli sa buhay mo na ipagkakatiwala mong muli ang mga munting salamin na buhat buhat mo... at malalaglag ulit... paulit ulit lang ito hangang sa maging kakarampot at malabubog na lang ang matira na hinahawakan mo na lang sa kanang kamay mo... sa lagay mo ngayon... natatakot ka ng ibigay muli ang kakarampot mong salamin sa ibang tao... natatakot ka ng baka mahulog nanaman ito at baka sa susunod wala ng matira... kaya lahat ng may motibong tulungan ka sa pagbubuhat mo ng salamin mo ay tinataboy mo at pinagiisipan ng may masamang balak lamang saiyo... hangang sa isang araw... makikita mo ang sarili mo na nakaharap sayo... nakaharap ka sa isang salamin... salamin na buong pusong binibigay sa'yo ng isang taong sinasabing “hayaan mo na yang bubog sa kamay mo... sayo na lang itong akin” … “



-Buangoi

Monday, October 6, 2014

ANO NGA BA ANG NASA ISIP KO?




May napanud ako tungkol sa ADHD.. at halos lahat ng sabihin niyang mga symptoms ay tinamaan ako. Ang blog na to ay hindi tungkol sa ADHD, ito ay tungkol sa isip ko... ano nga ba ang nasa isip ko?


Susubukan kong mag freestyle sa mga sinusulat ko at i-Log lahat ng ginagawa ko habang nagsusulat.


<7:50pm> nanunud ako ng Fliptop : Tipsy D vs. Sinio


alam ko panalo na dito si Tipsy D kasi napannud ko na to kanina, tindi ng mga bara niya. Bars and Jokes eh. Tas kanina ko lang <nawala na chain of thought ko... nadistract na ako ni Tipsy D. potek ganda nung “batman” na bara niya> anyway... si sinio na.. ganda nung Joker na T-shirt niya. Naisip ko din minsan na magipon para makanood din sa B-side... pero natatakot ako baka mabugbug ako. Haha! Dati past time namin ng gf ko noon ang pagnuod ng fliptop. Mala Gangster kasi yun, gustong gusto ng mga G, haha. Trip niya si Datu, pero panget daw yun sa personal. <ayun... tindi ni Sinio> Dati Seminarista ako, so nung nag college ako hindi ko alam kung ano ang porma na isusuot ko araw araw, so isa akong poser noon. Dati Emo ako... minsan minsan Conyo ang pananamit. Kasi ung gf ko nun conyo gusto ipadamit sakin... pero ang <xet... nagmessage kasi yung kapatid ko sa SE, may basketball kami this friday at sabado.. ayun naalala ko na> pero ang music ko noon eh galing lahat sa mga underground bands. Yung mga tipong ayoko na may kapareha na songlist... ayoko na kapag kumakanta ako, may nakikisabay.. kaya nung sumikat ang secondhand serenade, dinilete ko lahat ng kanta nila sa playlist ko. <sasama daw si Von sa basketball.. sana isama niya mga kabrad niya para matindi and mga play. > Andito ang pamangkin ko ngayon... si Bernice... para sa mga nakakakilala sakin, malamang kilala niyo din si Bernice. Siya ang pinakamagandang bata na nakita ko :) ang cute cute niya :) lalo na kapag nakasmile siya at lumalamon XD gustong gusto ko yung itsura niya kapag nagrarason, sa bata niya an dami na niyang alam na salita, “ayaw ko niyang, baho yan” mga ganyang salita, hahaha ayun umalis na siya, baho ko daw... di pa kasi ako nakakaligo buong araw... tas nagjogging pa ako kanina... speaking of jogging, gusto ko magblog tungkol sa pagpapapayat ko, kaso mukhang walang maniniwala, hahaha, feeling ko pumayat na talaga ako, pero isang inch lang sa waistline ko, hahaha, tas bumalik na ulit diet ko sa mga baboy, pero gusto ko padin kumain ng gulay. Pinalaki akong kumakain lang ng baboy at baka, paborito kong ulam ay Bulalo. Masarap yun eh, dun lang ako dati napapakain ng gulay, kasi gusto ko lahat sa Bulalo, pati buto buto sinisipsip ko. Pero ngayong medyo matanda na ako, gusto ko na ng Girlfriend talaga, hahaha, desperado na ata akong magkaroon ng anak, hahaha... kakaingit kasi na may anak na yung ate ko na napakacute, gusto ko din ng cute na anak, hahaha XD naisip ko lang, pano kaya kung maging bakla ang anak ko? … ok lang naman :) masaya ako kahit ano ang gusto ng anak ko na gender preference <pero hindi padin nawawala ang takot sa sarili ko na maging bakla sila> hindi ko alam pero kasama na ata kasi sa norm naten na masayangan sa mga bakla dito sa Pinas... pero I have nothing against them... kung maging bakla man ang anak ko, sasamahan ko siyang magdress at mag makeup :) kung ano ang gusto niya dun ako. Maraming mga bakla na nasira ang buhay dahil sa mga magulang nilang hindi sila matangap. Kung may kamag anak man kami na manglalait sakanya, humanda sila sa barkada ko... kung kilala niyo noong college... malamang kilala niyo din ang cMen. Sila ang mga barkada kong tunay. Nagmamahalan kami, lahat kami barako at nagsilalakihan ang katawan. Isipin mo na lang to, lagi kami magkasamang 7, 6 samin lalaki na nag ggym at lahat kami heart throb <hahahahha, mashado na ata akong bilib, pero totoo to pramis> at isa samin ay babae... pag naglalakad kami sa school, dapat slowmo... at may background music... hahaha anyway, madami kaming talents actually, isa kaming singing/dance/magician/ poets/ musicians/ sales talker/ etc. lahat na alam na namin, haha, pero totoo, madami talaga kaming mga talents tulad ng pag susulat at paglalaro sa computershop. Madami kaming talento na hinding hindi namin ilalagay at hindi pwedeng ilagay sa resume. Tapos na ang fliptop... so yun lang yun... sinubukan ko mag freestyle ng kalahating oras... oo nga.. may ADHD nga ako.... at hypochondriac ako...



Tuesday, September 30, 2014

Bakit Single ka?





Single ka ba ngayon? Wala kang kaholding hands at kalandian sa loob ng cinehan? Walang nag gogoodmorning text o kaya naman goodnight text sayo? Wala kang kadate sa valentines day? Masakit na ba ang pwet mo kakaupo dyan sa harap ng computer mo kakahanap ng magandang lovestory? Ubos na ba ang pera mo kakasubscribe sa mga pornsites at dating sites ? Tinatamad ka na ba na matawag na bestfriend ng crush mo? Umiiyak ka ba ngayon dahil sineenzone ka ng dati mong shota? Panget ka ba?


Kung ano man ang sagot mo dyan sa mga tanong na yan, wala akong pake... hahaha, joke. <please keep reading, please, please....> based sa title nitong blog na to, tungkol sa mga single to, pero kung may GF ka man ngayon o kaya BF... ito lang ang tatandaan mo... Magbrebreak din kau! Hahaha, <joke, please... just read some more> , para sa mga single 'tong sinusulat ko, pero malay mo diba? Magamit mo din to pag single ka na ulit hahahahah! <joke lang kasi, tama na haha>


Madami na akong sinabi na hindi naman related dito, kaya umpisahan ko na, haha... BAKIT NGA BA SINGLE KA? <di ko alam, hahahaha! Kaya manghuhula na lang ako kung bakit ka single> ito ay mga pangalan ng mga taong nakausap ko sa isip ko <while high on coffee> … <well I think it's coffee> … <i hope it was coffee> … <let's just call it coffee> … na nag bigay sakin ng mga rason kung bakit sila single.


1. Lana- <crush ko sa youtube, magtatagalog siya ngayon kasi nagtatagalog siya sa isip ko> Single ka kasi panget ka... Lagi kang hinahanap sa bahay niyo ng tabo at sabon... 3 years na nawawala... ang toothbrush mo. Inampon ka na ng upuan sa computershop at pumayag ng maging ashtray mo ang kalsada. Lumalangoy na lahat ng Fishball sa bituka mo, cologne mo Redhorse at pinakasalan ka na ng kama mo.


Single ka kasi hindi mo inaalagaan ang sarili mo, Hindi naman talaga important kung ano ang itsura mo, kung may pingot ka, may birthmark sa mukha, kalook-a-like mo si scarface, kalahating isda ang ilong mo <wala atang ilong ang isda> , may third eye ka sa tenga at mas madami ka pang daliri kesa sa buhok mo...


Hindi naman talaga importante kung ano ang itsura mo, pero para saakin, ang importante ay MALINIS KA... lahat naman tayo may kuko <except yung mga walang kamay at paa> pero hindi ba mas maganda kung malinis ang mga ito? O kaya malinis na mukha? Malinis na buhok? … Importante na malinis ka dahil isang senyales yan na inaalagaan mo ang sarili mo... isipin mo na lang to, pano ka aalagaan ng isang tao kung hindi niya kayang alagaan ang sarili niya? Same din sayo, pano mo massabing kaya mong alagaan ang mahal mo kung sarili mo nga hindi mo maalagaan?


Hindi porket Lana boyfriend eh Lana din ligo, Lana jowa eh Lana din toothbrush, Lana shota eh Lana din self-esteem.Ang sinasabi lang naman ni Lana eh, mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba.


2. Neo- <siya si Keanu Reeves sa Matrix> Mga abangers kayong mga hinayupak kayo. <Sorry... hindi talaga kayo hinayupak, nasabi ko lang yun para may dating opening statement ko kay Neo> Abangers kayo kasi lagi niyo hinahanap si “The One”... Pero sino nga ba si “The One”? … madaming tawag sa “The One”, tulad ng The Chosen One, The Knight in Shining Armor, Mr. Right, Saviour, Hero, Unicorn, Superman, True Love, The Ideal, Better Half, your Angel, Kokocrunch, Siomai, Siopao, Dinuguan, Bulalo at Pinakbet... <kakagutom> si Soulmate, Si forever, Si ever and ever and ever and ever and ever, your eternity, LOVE...


Pero hindi naman talaga yan ang meaning ng “The One” … ang totoong meaning ng “The One” ay... “STANDARDS” … standards na sinet mo sa gusto mong susunod mong kasintahan. Magkaibang magkaiba ang standards na sineset ng mga lalaki at babae... ating alamin kung ano ang sinabi ni Neo tungkol sa mga ito.


Standards ng mga Babae: Matangkad
Maputi
Magaling magsalita
Mapagmahal sa nanay
Matulungin sa Kapwa
May Kotse
Malambing
Nanunuyo kapag galit sila
Magaling Kumanta
Basketbolista
Malaki ang paa <ewan kung bakit, sabi nila kasi pag malaki ang paa malaki din ang... sapatos>
May nunal sa kamay
Kalbo
May air Jordan
Sumasayaw
Matalino
Mahal ang Nanay niya
Binubuksan ang mga pintuan para sakanila
Mas nakikinig kesa nagsasalita
Tinatawanan mga Jokes nila
Binubuhat ang bag nila
Maaapreciate ang mga niluto nila
Nakakaalala ng mga Anniversaries at Birthdays
Sensitive
Outgoing
Honest
Faithful
Hinahawakan ang kamay nila kapag kailangan nila
Mapagkumbaba
Napapatawa sila
Nirerespeto sila
Hindi magagalitin
At mapagmahal




Para naman sa mga Lalaki:


Malaki Boobs
<bonus na kung virgin>








Yan lang naman ang gusto ng “karamihan” ng mga lalaki at babae... alam ko kulang pa ang category ko, pasensya na po kayo. Hindi ko po naisama ang categorya ng 3rd sex. Tanga kasi si Buangoi di pa niya naiimbento mga gusto ng mga kapatid nating Bakla at Tomboy. Sorry...


Habang tumatagal, Mas humahaba ang listahan ng gusto niyong makita para kay “The One” … kaya ka single... kasi kahit kelan hinding hindi mo makikita si “The One” … oo hindi mo siya makikita, ako na nagsasabi sayo, Hinding hindi mo makikita si “The One” … kasi kathang isip mo lang siya, hindi siya totoo, kung toddler ka lang ngaun, pwede natin siyang tawaging “Imaginary friend” mo... kung makita mo man siya, ibig sabihin nun nababaliw ka na, at nagdevelop na ang iyong Schizo na matagal ng nakatanim sa utak mo. Single ka kasi hanap ka ng hanap sa wala... try mo din maghanap ng meron




3. El Mariachi <si Antonio Banderas yan sa Desperado> - ayun na, Single ka kasi desperado ka... wala na... wala na ako maisip... teka kape lang ulit... <5 mins> hindi padin ako nagkakape, mainit pa kasi yung kape... DESPERADO... desperate.. dsperation... di ko alam kung bakit ko nailagay yan sa notes ko... bwisit, wala ata akong ballpen nung sinulat ko to sa notebook ko... type ko lang muna paulit ulit ng dahan dahan baka matandaan ko... Desperado... despe... rado... <sips coffee>


Single ka kasi Desperado ka na sa Love. Minamadali mo ang love kaya feeling mo naiinlove ka sa lahat ng makita mong pogi at maganda. Basta may mukha Inlove ka na. Makita mong maputi, Crush mo na, tas maatach ka na, tas susundan mo na yung crush mo... iistalk mo sa lahat ng social media na meron siya... lilike mo lahat ng status niya, cocommentan mo lahat ng pwede niyang commentan din, masaya ka na kahit maseenzone ka, <sabi nga ng kaibigan ko “napan-seen” mo padin> gagawan mo ng love letter sa manila paper na ginawang pangatong ng nanay mo, iniisip mo siya na kinakausap ka niya kahit monosylabic ka lang niya kausapin at kinakausap ka lang niya kapag tinatanong mo pa siya... minsan umiiling lang siya kapag yes or no question tinanong mo pero ayos lang kasi mahal mo na siya diba? Lahat ng kaibigan mo naririndi na sayo dahil sa kakasabi na crush mo siya... araw araw... 72 times a day... 5 minutes each...


Kung ginagawa mo ito... at masaya ka dun, at tingin mo may patutunguhan ka sa ginagawa mo, edi ituloy mo lang. Masaya ka diba? Maipapayo ko lang eh, Follow your heart.


Antayin mo lang ang taong maghahampas ng tasa sa ilong mo ng matauhan ka ng magbago sa pagsstalk mo, kasi ikaw rin lang masasaktan... :)


4. Bro. Ken- <si brother Ken> Single ka kasi di ka pa daw nakakamove on... masakit padin ang puso mo, lalamunan at pwet. Hindi pa naghihilom ang puso mo sa ginawa ng huling Jowa mo sayo, naalala mo lahat ng ginagawa niyong kalokohan sa mga maliliit na bagay, tulad ng paglagay ng calamansi sa ilong habang natutulog siya, pagpitik ng pilik mata niya kapag trip mo lang, pagsuntok ng dila nila gamit dila mo, tintangal mo lahat ng buhok niya sa kilikili... gamit ngipin mo at ang hindi niyo paghinga kapag dumadaan kayo sa loob ng tunnel sa marcos highway... ng naglalakad...


Ang iba kung sino sino na sinisisi kung bakit sila single... ang Presidente, Nanay nila, Aso nila at ang pinaka common... si God... Hindi si God ang rason kung bakit kayo nag break, at wala ding pinopromise si God na bibigyan ka niya ng mas mabuting Jowa sa susunod, kaya para saakin hindi mo dapat inaasa kay God lahat. Binigyan ka na niya ng matitirhan na Mundo, binigyan ka niya ng araw para lumaki ang mga halaman, hayop at tao, Binigyan ka niya ng mga bituin para may bilangin ka sa gabi, binigyan ka niya ng hangin para ihinga mo habang nabubuhay ka pa, binigyan ka niya ng apoy para may pang luto ka ng pagkain mo, binigyan ka niya ng tubig para may mainom ka... tapos pati Jowa hihingin mo padin? para saakin God doesn't work that way. Oo may oras para sa lahat, pero ikaw lang din naman ang nakakaalam kung kelan mo gagamitin ito. kaya stop blaming God sa mga shitty choices niyo...

Gano ba katagal dapat bago mo masabing nakamove on ka na? … di ko alam , hahahaha, pero feeling ko alam ko kung kelan ka dapat magkaroon ng bagong jowa. Kasi aminin na naten, hindi mo makakalimutan ang paglagay niya ng daliri niya sa ilong mo kapag nakasimangot ka, di mo makakalimutan na ginawan ka niya ng tarpaulin nung bday mo kasi akala mo wala kang regalo, at hindi mo makakalimutan na tumawa kayo dati sa isang bagay na di mo na maalala kung meron ba talaga kayong pinagtatawanan dati... Hindi mo makakalimutan mga maliliit na bagay na yan, kaya wag mo ng isipin na kalimutan ang mga yan. Cherish the moments you had. Huwag mo ng pilitin na kalimutan mga yan. Tinawag siyang “Move on” para umusad... Hindi siya tinawag na “Reset” …


So kelan mo nga ba malalaman kung kelan ka dapat magjowa ulit?




Kung mahal mo na ang sarili mo :)


5. Buangoi- <isip ko to, kamukha ko siya, kinakausap ko siya palagi> Single ka kasi gusto mo lang maging single. Masaya ka na single ka.


Gustong gusto mo na iniisip na in love ka, kasi kung naiimagine mo yun... tinatamaan ka. Napapasmile ka kaya pinipicture mo ang sarili mo kasama ang mahal mo na sobrang saya. Tumatawa kayo, Naglalambingan kayo at sumasayaw kayong dalawa sa sa tune ng harlem shake. But somewhere deep inside, Takot ka … Takot kang mainlove, at lahat ng naimagine mo... magically disappears. Tas maiisip mo ulit lahat ng iyon... tas marerealize mo, masaya ka naman na tumatawa kang magisa, masaya ka naman na nilalambing mo sarili mo, at masaya ka naman na sumasayaw ka magisa sa tune ng Harlem shake diba? Kasi minsan sa buhay mo binigay mo na ang puso mo, at ang natira na lang ngayon ay puro sakit.


Yung freedom mo ngayon na makasama ang iba't ibang tao at once is always fun. Pero lilipas din ang oras at magigising ka isang araw na the person you wake up to doesn't exist... So maybe 'di mo pa alam kung paano mo alagaan ang sarili mo, at hangang ngayon hinahanap hanap mo padin si “The One” , desperado ka na sa pagibig dahil gustong gusto mo na magmahal, baka nga sa tingin mo di ka pa ready, at baka nga gusto mo lang talaga maging single...



Basta sundin mo lang ang puso mo, yung lang naman ang importante diba?

Saturday, September 27, 2014

LETTER FOR TEN YEARS FROM NOW BUANGOI






Dear ten years from now Buangoi,


Panget ka padin, tandaaan mo yan, hahahaha! Sana kinakausap mo padin ang sarili mo. Sa ngayon ikaw ay 68 Kg. Sana pumayat ka naman na o kaya gumanda ang katawan. Sana Hindi ka na kain ng kain na parang patay gutom na mataba. Alam ko gutumin kang bata ka pero ngayon sana naman ay may class ka na sa pananamit mo. Ayoko ng makita yung jersey shorts mo na yellow na may butas na lagi mong sinusuot kasi feeling mo varsity ka.


33 years old ka na ngayon... ang tanda mo ng kupal ka, haha. Sana hindi ka na single, kasi kung single ka padin ngayon pupunta ako dyan ngayon para lang batukan kang torpe ka! Huwag ka din sana maging bakla, kasi sa ngayon ayoko talaga maging bakla, gusto ko ng asawa at anak. Sana buhay pa si Morphine ngayon, kasi kung patay na siya .. tang ina mo... mahal na mahal ko yung asong yun, parang kapatid ko na siya, ako nagbantay kay Inday nung pinapanganak siya. Kaya kung patay na siya gusto kong bumili ka ng sampung kilong dog food at yan ang iulam mo sa Bday ni Morphine kada taon!


Sana buhay ka pa... sana mabasa mo pa ito... sa ngayon yosi kasi ako ng yosi at bihira ako kumain ng gulay, kaya sana buhay ka pa! Hahaha o kaya naman nakakalakad ka pa, sana hindi ka pa obese, o kaya under weight... sana marami ka ng pera para makabili ka na ng girlfriend mo, yung mahal at high class, madami pang stock sa Japan. Matatanda na yung mga nasa menu ngayon kapag pipili ka, kaya pumili ka na lang ng mga medyo fresh pa, <self future apir!>


Sana kilala ka ng Writer ngayon. Kokonti pa lang audience ko ngayon... sana naman matapos nang sampung taon nadagdagan na yan ng kahit 4 na tao man lang diba? O kaya tatlo. Or kahit isa lang, hahaha! Hindi pa ako mashadong magaling magsulat tulad ni Papa, pero ginagawa ko lahat para makapagpractis ng pagsusulat, kaya dapat mahal mo padin ang pagsusulat ngayon ah? Wag kang maarte sa pagsusulat ah? Gawa ka padin ng mga love letter, tula, kanta at mga nobela. Sana nadagdagan na ang mga libro mo, kasi kung wala ka pang bagong libro ngayon, pakamatay ka na, haha!


Alalahanin mo kung sino ang crush ko ngayon, haha.cute siya, pero di tayo pinapansin kasi tanga tayo, hahaha! May dream girl tayu, alam mo yan... <APIR!> kung sakaling naging gf mo siya... <BATOK!> kung wala kang ginawa para makuha siya... <SHOULDER!> kung ginawa mo lahat pero ayaw padin niya sayo. Ayos lang yan, hehe, may darating din para saatin. Kung may GF ka ngayon na binabasa niya din ito. Sana huwag siyang magselos, kung ano man ang definition ko ng love ngaun, malamang nagbago na iyon ngayon diyan sa panahon niyo ni 10 years from now Buangoi. Yung dream girl ko ngayon … ikaw na yun ngayon.. :) I love you with all my heart and I hope to marry you :) <if we are already married, why not hug me and cuddle me right for being a smart ass sweet talker :) >


Hope you still pray... hope you still practice your English. Keep in touch with your friends and family. Kung may problema ka or kaaway, ayusin mo kagad at huwag mo ng palakihin. Paalala ko lang sayo na ang motto mo sa mga away ay “Ang nagpapatawad ay ang nakakaintindi” kung mali ka naman talaga, mas lalong dapat mong ayusin yan, adik ka, hahaha!


Huli sa lahat, Dapat naka pompadour ka padin hangang ngayon, ang tagal kong pinapahaba tong buhok ko para lang magkaroon ng pompadour ah. Bwisit ka kung sakaling pinagupit mo. Kung pinagupit ng boss mo buhok mo, magresign ka na kagad, haha!


-Buangoi


P.S.

6 inches ka ngayon. Win or fail after ten years :)

NURSE SA PINAS





Bakit ka nga ba nag Nursing?


Sa dami ng nurses sa Pilipinas ay kung magtatanong ka ng isang Pilipino kung meron silang kilalang nurse ay may maituturo sila kaagad na kamaganak, kapatid, kaklase o kaya naman kapit bahay na nurse dito sa Pinas.


Ayon sa imbentong research ni Buangoi tungkol sa statistics ng mga nurses dito sa Pinas. 42% ng mga nurses sa Pinas ay walang trabaho. At mula sa 42% na iyon 12% ay ang mga nakatapos ng nursing pero hindi pa nakakapasa ng board at ang 9% dito ay ang mga nakapasa ng board pero ayaw gamitin ang licensya dahil naniniwala silang wala daw mashadong mapapala ang mga nurses dito sa Pinas. At ang natitirang 21% naman ay ang mga nakapasa sa board na gusto magnursing pero wala namang magandang opportunidad para sakanila.


Kung iisipin ang 9%na nakapasa na ayaw magtrabaho bilang nurse ay mashadong malaki. Karamihan sakanila ay nagaaral na lang ng ibang kurso o kaya naman ginagamit na lamang ang pagiging board passer nila bilang pampapogi sa resume. Sayang... paano kung isa sakanila ay magaling magCPR na makakasalba sa iyong nalunod na anak? … ngunit wala siya ngayon sa hospital... nasa isang companya siya nagbebenta ng sasakyan para mga Mayor na nanalo sa election.


Sa 21% naman na nakapasa ng board na gusto maging nurse dito sa Pinas, pero walang mahanap na opportunidad na maganda. Ayon sa aking pagsasaliksik, ang hinahanap lang naman nila ay Good compensation sa mga serbisyong ibinibigay nila. Karamihan sakanila ay depressed dahil hindi sila makapagipon ng maayos para sa kanilang pamilya. Magkano nga ba ang sweldo ng isang regular na nurse dito sa Pinas? Pang propesyonal ba ang kanilang sweldo? Ang oras na iginugugol nila sa trabaho ay tama lang ba para makapagpahinga sila ng maayos at makapagtrabaho ng mas mabuti sa susunod nilang shift?


Kapag nurse ka sa Pinas, problema mo palagi kung makakapag Christmas,New year, Birthday, Valentines o kaya naman Pyesta ng patay ka na kasama ang pamilya mo. Swerte mo na kung magkaroon ka ng 2 o 3 na occasion kasama ang iyong pamilya.

Problema mo din ang pagkain mo. Inuuna palagi ng mga nurses ang kanilang mga pasyente bago ang kanilang sarili. Ito ang rason kung bakit halos araw araw silang nalilipasan ng gutom, hindi sila kumakain sa tamang oras. Kung meron man silang oras para kumain, kailangan nilang bilisan dahil mag gagamot na ang kanilang mga paxente. Ang explanation naman dito ni Buangoi ay dahil ang mga Nurses ay si Eagleman, at hindi nag brebreakfast si Eagleman!


Kung nurse ka sa Pinas, ang saya mo na makita mo lamang ang kaendorse mo... pagdumadating sila tila may background music na kanta ng mga Anghel at may kasama pang Multi colored rainbow at Flammable fireworks... ngunit hindi ganyan palagi ang eksena sa loob ng hospital... Ang daming Nurses sa Pinas... ngunit bakit kailangan padin maranasan ng ating mga nurses ang mag duty ng dalawang araw na walang pahinga dahil lamang wala silang reliever? Ikaw kaya magtrabaho ng 16hours straight na walang pahinga , papayag ka ba? Ano pa kaya yung nagtrabaho ka ng 48 hours? Tingin niyo po ba makatarungan iyan? Tingin niyo po ba kinabukasan gusto niya pa magtrabaho para lamang sa katitingin na sweldo na natatangap nila? Minsan nga mas mahal pa pamasahe papunta sa hospital kesa sa sweldo nila. Pero bakit parin sila nagtitiis?


Kung Nurse ka sa Pinas, hindi lang pasyente ang pinoproblema mo araw-araw. Tinitiis mo ang mga masusungit at minsan bastos na Doctor/ kapwa Nurse at nursing aides. Tinitiis mo amoy ng bawat diaper na hinahawakan mo para lang ikilo ito. <opo nagkikilo po ng diaper na may laman ang mga nurses>. Tinitiis mo ang mga masusungit na bantay ng mga pasyente na ang laging banat sayo eh “ako ang nagpapasweldo sa'yo ah” <kung pwede lang silang banatan na “yan lang po ang serbisyong kinaya ng budget niyo, kaya tiis tiis po muna kayo hangang sa tumaas po yung sweldo ko” … o kaya naman “Volunteer po ako, wala po akong sweldo”> .






Not being appreciated with your work but being bashed with your simple mistakes




Tinitiis mo ang mga araw na feeling ng mga tao eh isda ka... bagyo na't lahat lahat kailangan mo padin pumasok sa hospital, kailangan mo lang magtransform sa isang bangus para makapasok lang, bukod pa dun wala kang hazard pay... <tanong: anong nangyayari kung nagkakasakit ang mga nurses?> siyempre pinipilit padin silang pumasok, dahil halos bawal magabsent kapag Nurse ka dito sa Pinas. Katiting na nga lang ang sweldo mo , magaabsent ka pa?, kabago bago mo pa lang , magaabsent ka na? …


Walang Hazard pay o kaya naman holiday pay ang mga Nurses dito sa Pinas. Overtime pay? Meron naman pero grabe ang trato ng ibang mga Clinic at hospital sa mga Nurses dito sa Probinsya.


Yan isa pa yan na tiniis ko... Overtime is no choice ka! Kahit ayaw mo or pagod kna, di pedeng di magduty... Yung mga kasama ko sa manila, 65per hour sila, ako alam mo magkano? 14pesos lang.. Nireklamo ko yan, ang sabi lang dahil galing ako province, ang pay ko dapat provincial din kahit sa metro ako nagwowork.. Unfair diba?
-Gee

Ano ang pinagkaibahan ng mga nagaral sa City at Province? Parehas naman silang nascreen ng board exam diba? Ano daw yun? Paki explain!!! labyu...


Nagtanong tanong ako sa iba't ibang mga nurses tungkol sa kanilang mga nursing experience. At karamihan sakanila ay dinadaing ang mga masasamang nangyari sakanila, so tinanong ko na din sila kung ano nga ba ang kanilang “worst nursing experience” . Ito ang mga sagot ng iba.


sisigawan ka at papahiyain sa harap ng mdameng tao ng "mayaman" na husband ng patient kase ndi sila inuna mo sa mahabang pila (w/c is first come first served dpat).. apparently, hindi ko sila kilala as a "VIP client" daw. that was pa naman my FIRST day din kase nag relieve lang ako. (nun clinic nurse pa ako). bwahaha! bwiset mga mayayaman, kala mo kung sino



Hindi po namin inihihiwalay ang mga mayayaman sa mahihirap kasi, iisa lang ang nakikita ng nurse sa Clinic. At iyan ay ang mga may sakit. Walang mayaman, walang mahirap. At kung may usapan man kayo ng Doctor, hindi naman po siguro namin kasalanan kung bakit hindi kayo ang inuna. Pasensya na po kung hindi po namin nakikita kaagad ang Rolex niyo, ang susi ng Toyota Fortuner na nakasabit sa pantalon niyo at Lacoste niyong sapatos. Pasensya na po talaga.



Haha ok lng work pero, yung job description mo hindi tugma.. Instead na di kana dapat maglinis ng dialysis machines kasi may biomed naman.. Need mo parin sila tulungan, need mo maglinis haha sila na maswerte.. Then nung ililipat na dapat ako sa urdaneta, gusto nila iprovincial rate ako.. 236php/day.. Na sad naman ako.. From here to urdaneta eh ang pamasahe ko na is 160 back n forth, sabihin mo ng 50 panglunch. Wala pko tubig.. Ang maiipon ko lng, 26pesos.. Lol pagod ko pa diba.. Hay inconsiderate sila.. Bukod pa dun, ang usapan is pagdating ko dapat ng urdaneta ako head nurse, ako pinaglakad nila ng mga permit ang mga clearance kc dpa bukas that time, tapos no reimbursements sa food and pamasahe, ang binibilang lng nila na reimbursements eh yung sa bus.. Pno kaya yun.. Madugas lng.. Nagresign nko.. Saklap noh?



Marami pong extra services na inoofer ang mga nurses dito sa Pinas, ngunit sana bigyan niyo naman po kami ng tamang compensation sa mga serbisyong binibigay namin. Hindi dahil hindi kami nagrereklamo sa sa dami ng gawain na ibinibigay niyo saamin, ay hindi na namin dinadamdam ito. Sana ang nilagay na lang sa Job description namin ay “Nurse/Katulong/Cashier/Manicurista/Technician/All around helper” kasi yan po ang inaral namin ng 4 na taon sa college, inipunan ng casses para makagraduate, nagbayad ng pagkamahal mahal para sa mga affiliations, Pinaghirapang hiramin ang mga libro ng ibang higher years kahit sira sira na ito, Umutang ng pangreview sa pinakamagandang review center na kaya ng budget...

Sa kabila ng pagkwekwentuhan ko sa mga Nurses na ito , Ang kaibigan ko na si Gee Anne ay nagbigay ng isang kwentong nakapagpangiti saakin. Na hindi rin pala puro hirap ang nararamdaman ng mga Nurses sa Pinas.

Hmm sa pph, nung sa DR ako, may mga misis na magbibigay ng food for all lalo na kung 1st born hehe.. Tapos yung iba bibigyan ka ng thank u card.. Nung nasa Ward naman.. Kapag may di mainsert na vein sa ER or sa ibang ward, ipapatawag ka kasi ikaw magaling eh.. Haha most of the time na cases na pinapatawag ako kapag dehydrated yung pt. kasi mahirap insertan yun at kung baby... Sa dialysis naman since chronic yun, yung patient mapapalapit xa sayo, pag dika masakit magtusok lagi ikaw ipapatawag.. Hehe tapos sa manila ganun din... Mayayaman kasi yung sa manila, puro sosyal. Aask nila kung what like mo for lunch, tokyo tokyo, jollibee or mc do.. Shark fin chinese food ganun.. One time sa manila, dko sinasabi na bday ko... Nalaman nung isang pt. na favorite ako.. Nagpabili xa ng 8boxes ng pizza sa pizza hut and isang bilao ng palabok ang drinks.. Tapos nagparush xa ng cake.. Hala.. Naiyak lng ako sa tuwa.. Nkalagay sa cake, to my favorite nurse.. Happy bday.. Ganun.. Hehe

Maraming Kwento ang mga nurses natin sa Pinas, Maraming magaganda, Marami ding mga panget. Lahat ng trabaho ay may kanya kanyang problema. At sa dami ng problemang iniisip ng mga Nurse dito sa Pinas, masasabi kong ang pagiging Nurse sa Pinas ay ang pinakadakilang trabaho sa lahat ng Propesyon.

“being overworked and underpaid is proof enough that Nurses work for the patient's smiles alone”
-Buangoi

Nurse din ako... Pero pinili ko maging Writer para maipahayag sa publiko ang kagandahan ng pagiging isang nurse... para po matulungan niyo kaming mga Nurse sa Pinas, ating pirmahan ang nakalagay na link sa baba para maipasa sa Gobyerno ang ating petisyon na pagandahin ang buhay ng mga Nurse sa Pinas. Maraming salamat !


Saturday, August 2, 2014

ILANG ORAS NA ANG NASAYANG MO?

ILANG ORAS NA ANG NASAYANG MO?

akda ni : BUANGOI



Sa araw araw mong pagtambay, tulog at pag gawa ng mga walang katuturan na bagay sa buhay mo... naisip mo ba kung ilang oras na ang nasayang mo?

Ating gawing ehemplo si Buangoi na wala ring magawa ngayon kaya nagsusulat na lamang ng mga ganitong bagay.

Binuksan ko ang account ni Buangoi sa isang online game na tinatawag nilang “League of Legends” madami na ang naadik sa larong ito, dahil sa graphics, gameplay at pwede mong sabihan ang kalaban mo na minolestiya mo na ang nanay niya. Ano ang aking nahanap sa loob ng account ni Buangoi?

1023 wins 974 losses. Yan ang aking nahanap. Total games na nalaro = 1997 games. Sa isang laro tumatagal ito ng 20 mins pinaka mabilis at sabihin na nating 60 mins pinakamatagal. So may average na 40 mins bawat laro. 40 mins X 1997 games = 79,880 mins. Ibig sabihin 1331.33 hours yan o kaya naman 55.4 days. Yan ang dami ng oras sa pag lalaro ni Buangoi ng “NORMAL” queue ng League of Legends. Iba pa ang Ranked games at custom games niya.

Sa 55.4 days na yun, ano pa kaya ang pwedeng gawin ni Buangoi na mas makabuluhan kesa sa paglalaro ng LoL?

  1. Magaral kung paano maging Presidente
  2. magimbento ng mga bagay na hindi pa nagagawa tulad ng “water”
  3. idiscover kung saan lumalabas ang gatas ng mga aso
  4. gumawa ng music video ng SONA ni Pnoy
  5. Magaral kung paano mag tambling sa ibabaw ng cellphone
  6. Matuto ng bagong magic tricks tulad ng kung paano magkaroon ng girlfriend
  7. Manligaw
  8. Sumali sa Eat bulaga at sabihing ako si Kuya Kim na nakadisguise
  9. Magsulat ng 1000 lines ng “ako si buangoi na nakatira sa Northpole dahil gwapo ako” dahil lang namimiss ko ang Highschool life ko.
  10. Bumalik ng Seminaryo para iconfirm na ayaw ko mag madre
  11. Gumawa ng sariling Banda kasama ang sarili
  12. Magsulat ng bagong libro na hindi nanaman tatapusin
  13. Magbasa ng Libro na hindi ko tinapos
  14. Gumawa ng bagong cellphone gamit uling
  15. Magluto ng isaw sa loob ng gelatin
  16. maglinis ng bahay gamit toothpick
  17. Maghanap ng totoong trabaho
  18. Isipin kung bakit walang bagong GF yung tatay niyang patay na
  19. magGym ng lumaki naman ang muscles hindi puro taba lang
  20. magpa Pogi. <well hindi na kailangan eh>

Sa dami ng pwedeng gawin ni Buangoi mas pinili niya na mag LoL na lang nung mga araw na yun. Hindi niya naisip na gumawa na lamang ng isang blog tungkol sa pagsasayang ng oras para lahat ng makakabasa eh masasayang din ang oras nila.

Alam mo ba kung bakit mas pinili ni Buangoi na maglaro ng computer games kesa sa mga sinasabi ninyong “MAKATUTURAN NA MGA BAGAY”?

Iyan ay dahil “Masaya” si Buangoi nung naglalaro siya ng LoL. Kung may ginagawa ka na sa tingin mo ay walang maidudulot na maganda sa buhay mo, huwag mo muna isipin na sinasayang mo ang oras mo sa bagay na iyon. Isipin mo muna kung naging masaya ka ba nung ginagawa mo ang bagay na iyon. At kung sa tingin mo na napangiti ka o kaya naman natuwa ka sa ginawa mo na iyon, edi HINDI nasayang ang iyong oras. Huwag mo na isipin kung ano pa ang sabihin ng iba tungkol diyan sa pagdrodroga mo. Huwag mo na pansinin mga tindera sa sari sari store na sinesermonan ka sa pag iinom mo ng alak gabi gabi. Kung masaya ka sa ginagawa mo , Walang isang segundo na nasasayang.

Kaya huwag ka manghinayang kung hindi ka sinagot ng nililigawan mo, huwag mo isipin na nasayang lahat ng oras, pera at effort mo. Kung sa tingin mo napasaya mo sarili mo nung mga araw na iyon, edi wag ka na magbitter dyan XD kung sa tingin mo mas masaya ka nung natulog ka kesa nagaral, edi huwag ka magalit na bumagsak ka. Kung mas masaya ka sa isang bagay na gusto mong gawin kesa sa bagay na dapat mong gawin, hindi pag aaksaya ng oras ang ginagawa mo kung gagawin mo ang mas masayang gawain.

Hindi ko sinasabing sirain mo buhay mo dahil mas masaya ka magDroga at mag Laro ng computer games. Sinasabi ko lang na kung masaya ka, hindi mo sinasayang ang oras mo. Pero hindi ba mas masaya kapag mas maayos ang buhay mo at masaya ka :)