“Ang buhay ay Pagibig... at ang Pagibig ay buhay... at minsan sa ating paghahanap sa Pagibig, nahahanap natin ang... sarili natin :) “
-Buangoi
Ano nga ba ang Pagibig ng Pinoy? Bakit ito kakaiba kesa sa ibang klase ng Pagibig na nandito sa mundo? Bakit iba ang pares ng tsinelas ko ngayon? Bakit single parin ako ngayon? <kasalanan ni Pnoy yan> Bakit natin sinisisi lahat ng problema naten sa Gobyerno?
Hindi ko sasagutin lahat ng tanong na yan, kasi nga tungkol lang sa Pagibig ng Pinoy ang Blog na ito...
Para saating mga Pinoy, gustong gusto natin ng mga libre, sabi nga ng iba, “mas masarap talaga kapag libre” , so lahat na lang ng libre pinapakyaw, libreng shampoo, kape, ballpen, monay, lunch at sakit ng katawan. Tayong mga Pilipino ang naka master na ng “The Art of Libre” … tayong lahat ay malakas ang pandinig kapag may nagsabing “Libre” , talagang magsisisulputan ang mga Pinoy kung saan man meron, minsan nga kahit hindi na kailangan eh kinukuha padin, kasi nga “Libre” daw, tulad ng mga libreng Libro na pinamimigay ng Gobyerno minsan sa mga mahihirap, makikita mong yung ibang tao eh nakikipagagawan pa para sa libro na hindi naman nila babasahin, libreng Pamaypay ng mga pulitiko at noong naging Med rep ako, hindi din pinatawad ng masa ang Libreng Flyers ng Gamot na ineendorse ko... inisip ko na lang, anong gagawin nila sa flyers? Bakit sila kumuha ng sandamakmak eh hindi naman nila binabasa? … kaya tinanong ko sa sarili ko, bakit nga ba tayo mahilig sa libre?
Sa dami ng kinahihiligang libre ng mga Pinoy, ang pinakapaborito naten ay... <Drumroll>
Ang Pagibig... Libre lang ang Pagibig, hindi siya nabibili, at pinakamasarap kapag shineshare :) kaya karamihan sa mga Pinoy hindi alam pero... adik tayo sa Pagibig... gustong gusto natin ang feeling ng kinikilig, Kaya naging sikat ang mga romantic comedy na palabas na gustong gusto nating gayahin. At kung hindi man, gusto nating higitan pa. Gusto nating maging bida sa sarili nating pelikula. Kasi nga libre din mangarap, haha! Pero oo, adik tayo sa Pagibig. Pero bakit nga ba tayo naadik dito?
Ayon sa Aklatan ng Imbentong research ni Buangoi ay:
Kapag inlove ang Pinoy, feeling naten ang Pogi naten, bakit? Kasi kasama yun sa feeling ng pagiging inlove, nakuha mo ang babaeng nililigawan mo kaya Gwapo ka. Para sa mga babae naman, tumataas pa mas lalo ang kanilang happy hormones kahit may regla sila... <joke hindi nangyayari un kapag may regla sila... > pero kakaiba padin daw ang feeling... <hindi ko actually talaga alam pero inaasume ko na yan ang nafefeel ng mga babae... kasi assuming ako>
Kapag inlove ang mga Pinoy feeling nila kaya nilang gawin lahat... as in lahat, hindi mapakali, kung ano ano naiisip at naiimagine na kung ano ano... yan din ang feeling ng mga taong nagcococaine... kaya nakakaadik... feeling kasi naten nakadrugs tayo... masarap... kakaiba at hindi mo nararamdaman araw araw...
Kapag inlove ang mga Pinoy, nakakalimutan na ibang obligasyon at ibang tao sa buhay naten. Nagiging sila ang Mundo naten... bakit ganun? Tas pag narealize mo na hindi dapat ganun... too late na para maayos pang muli... Karamihan sa mga Pinoy nagmamahal ay hindi na alam kung ano ang tama at mali... pero masaya naman magkamali na may kasama :)
Saan nga ba nagsisimula ang pagibig ng mga Pinoy?
Para sa karamihan, nagsisimula ang Pagibig ng Pinoy sa panliligaw pa lamang.
Maraming klase ng panliligaw... merong moderno at traditional.. kung iisa isahin ko yan, mamaga na mata ko kakatapos netong blog na to.. kaya sasabihin ko na lang kung paano nga ba umpisahan ang panliligaw? Paano mo dapat lapitan ang gusto mong ligawan... syempre, manggagaling nanaman ang mga tips na ito sa Aklatan ng imbentong research ni Buangoi...
- Huwang na huwag mong lalapitan ang babaeng gusto mong
tanungin ang number habang nakatalikod siya... isa kang “stranger”
sakanya kaya dapat hindi mo siya kinakalabit sa likod... ikaw
kaya, kalabitin sa likod ng hindi mo kilala, ang tamang pag lapit
ay dapat slightly 45 degrees sa harapan niya, huwag mo ding
lapitan ng diretso sa harap niya kasi magmumukhang kampante ka
mashado <unless yun ang gusto mong impression sakanya> …
mas hindi nakakatakot at mas mukhang normal.
- Huwag kang matakot kausapin siya, act normal na parang
kausap mo lang ang kaibigan mo, “Fake confidence” ang tawag
dun. Pekein mo lang hangat kaya mo, at kung masanay ka na sa
feeling na yun ay magiging confidence na rin yun pag tumagal.
- Huwag mong aaminin na iniistalk mo yung babae... alam ko
bago niyo sila lapitan nakita niyo na sila dati pa.. bihira kasi
ung kakakita pa lang gusto na lapitan... so kung dati niyo na
silang nakikita , huwag niyo munang sabihin “kanina pa kita
tinitignan mula 9th floor gang sa food court … at
talagang pansin na pansin ko ang iyong mga nunal sa gilid ng iyong
ngiti...” creepy yan, go for an easier opener like “Hi, may
dumi ba ako sa mata? “ mga random questions like “what is your
favorite color?” kunwari nagsusurvey ka. Tas mula dun,
ituloytuloy mo na.
- Huwag kang maniniwala sa mga Dating tips ni Buangoi...
Karamihan sa mga Pagibig na Pinoy ay inaasa na lang palagi sa “Destiny” … madaming nagaantay na lang sa loob ng kweba nila at iniisip na may isang darating na tao na mag sasabi sakanilang “Ako ang Soulmate mo!”
Kung ganyan ka, para kang naglalaro ng Lotto na hindi tumataya... kahit balibaliktarin mo, hindi ka mananalo... ang tyansa mo na makikita mo ang “Man/Woman of your dreams” ay sobrang liit... hinding hindi makikita ng kahit anong microscope...
Meron siguro dyan na magsasabing... “uy ung girlfriend ko nakilala ko lang sa Leaague of legends, masaya naman kami” … hindi ko naman sinabing mali yun, pero ayokong karamihan sa mga nagbabasa ng blog na to ay uupo na lang at magpapakaadik sa loob ng bahay nila habang hinahanap ang Pagibig. Pag nagaabang ka lang, para ka nalang din nagpatalo sa buhay.
Mahilig tayo maniwala sa mga Soulmates... paano mo nga ba malalaman kung siya na ang soulmate mo? Wala naman talagang nakakaalam kung soulmate mo siya oh hindi eh, kahit makasama mo siya ng 50 years, may mga tao padin na hindi alam kung siya na talaga ang soulmate mo... at huwag mo din minamaliit ang mga batang kinse anyos lamang pero tingin nila nahanap na nila ang soulmate nila... minsan pag naswertehan, sila na talaga ang nagiging magsoulmate... Gusto ko din isipin na pagdating ng 18y/o ay nakita na naten ang soulmate natin... ginawa mo lang siyang kaibigan... ginawa mo lang siyang Bestfriend... or malala, ex mo na siya... nasasayo na nga pero pinakawalaan mo pa. Gusto ko din isipin na pag sinabing soulmate ay hindi na ibig sabihin nun ay hindi na sila magbrebreak... magbrebreak din sila minsan kasi siyempre tao lang tayo, may mga araw na mali talaga ang desisyon naten at malalaman na lang nating mali yun matapos ang ilang taon o minsan mas maaga pa.
Kung meron man nagbabasa ng blog ko, maraming salamat at sinayang niyo ang oras niyo para basahin ang kakarampot na nasa utak ko. Huwag po kayo mashadong nagpapaniwala sakin dahil inaamin kong marami pa akong dapat maranasan at marami padin akong hindi kayang isipin sa ngayon. Ayoko na iexplain ang sarili kong kakulangan kaya pagusapan naman naten ang Pinoy Love ulit, haha
Ngayong nasa “Age of the Copy-Paste” na tayo, madaming quotes na pwede mo makuha sa net. <check nyo naman page ko, dami din quotes dun> minsan yan na lang ang ginagawang libangan ng mga nasa net. Hindi ko naman sinasabing mali ito at dapat may originality ang pagbibigay mo ng magagandang quotes na ibibgay mo sa minamahal mo. Ang akin lang, bigyan niyo naman ng credit ang nakaisip nun, huwag niyong nakawin ang salita ng iba. Wala naman nakakahiya kung sabihin mong “babe, nung nabasa ko to kanina, ikaw naisip ko” . Kesa naman sabihin mong sayo yung quote, nagssinungaling ka pa diba? … wala na tayo sa tinatawag kong “Age of Poetry” kung saan halos lahat ng Pinoy ay nakakagawa ng magandang sining sa kanilang pananalita lamang, halos lahat ng letra nila ay tumutugma, magagandang salitang nakalimutan na ng modernong panahon. At para saakin walang mali dun, kailangan nating umusad para makasabay sa agos ng ating bayan, pero maganda ding balikan ang mga magagandang naidulot ng nakaraan.
Mashado na atang mahaba tong blog na to eh puro walang kwenta naman pinagsusulat ko haha XD magiwan na lang ako ng quote na ginawa ko.
“Ang pagibig ng Pinoy ay parang isang malaking salamin na binubuhat mo sa iyong dalawang kamay, bigat na bigat ka palagi sa pagbubuhat nito, pero masaya ka, kasi nga sa tingin mo, ikaw na ang may pinakamalaki at magandang salamin sa buong mundo. Ngunit darating din ang araw na may isang tao na pagkakatiwalaan mo sa malaki at maganda mong salamin. Ibibigay mo ng buo ito at malalaman na lang sa huli na nahulog niya ito at iniwanan ka na niya sa pirapiraso mong salamin... ngayon pupulutin mo lahat ng pwede pang magamit na salamin at bubuhatin mo ulit... karamihan dito ay matutulis at nakakasugat na, pero masaya ka padin kasi atleast may nasalba ka sa salamin mo... hindi mo mamamalayan na may darating muli sa buhay mo na ipagkakatiwala mong muli ang mga munting salamin na buhat buhat mo... at malalaglag ulit... paulit ulit lang ito hangang sa maging kakarampot at malabubog na lang ang matira na hinahawakan mo na lang sa kanang kamay mo... sa lagay mo ngayon... natatakot ka ng ibigay muli ang kakarampot mong salamin sa ibang tao... natatakot ka ng baka mahulog nanaman ito at baka sa susunod wala ng matira... kaya lahat ng may motibong tulungan ka sa pagbubuhat mo ng salamin mo ay tinataboy mo at pinagiisipan ng may masamang balak lamang saiyo... hangang sa isang araw... makikita mo ang sarili mo na nakaharap sayo... nakaharap ka sa isang salamin... salamin na buong pusong binibigay sa'yo ng isang taong sinasabing “hayaan mo na yang bubog sa kamay mo... sayo na lang itong akin” … “
-Buangoi
No comments:
Post a Comment