Saturday, September 27, 2014

NURSE SA PINAS





Bakit ka nga ba nag Nursing?


Sa dami ng nurses sa Pilipinas ay kung magtatanong ka ng isang Pilipino kung meron silang kilalang nurse ay may maituturo sila kaagad na kamaganak, kapatid, kaklase o kaya naman kapit bahay na nurse dito sa Pinas.


Ayon sa imbentong research ni Buangoi tungkol sa statistics ng mga nurses dito sa Pinas. 42% ng mga nurses sa Pinas ay walang trabaho. At mula sa 42% na iyon 12% ay ang mga nakatapos ng nursing pero hindi pa nakakapasa ng board at ang 9% dito ay ang mga nakapasa ng board pero ayaw gamitin ang licensya dahil naniniwala silang wala daw mashadong mapapala ang mga nurses dito sa Pinas. At ang natitirang 21% naman ay ang mga nakapasa sa board na gusto magnursing pero wala namang magandang opportunidad para sakanila.


Kung iisipin ang 9%na nakapasa na ayaw magtrabaho bilang nurse ay mashadong malaki. Karamihan sakanila ay nagaaral na lang ng ibang kurso o kaya naman ginagamit na lamang ang pagiging board passer nila bilang pampapogi sa resume. Sayang... paano kung isa sakanila ay magaling magCPR na makakasalba sa iyong nalunod na anak? … ngunit wala siya ngayon sa hospital... nasa isang companya siya nagbebenta ng sasakyan para mga Mayor na nanalo sa election.


Sa 21% naman na nakapasa ng board na gusto maging nurse dito sa Pinas, pero walang mahanap na opportunidad na maganda. Ayon sa aking pagsasaliksik, ang hinahanap lang naman nila ay Good compensation sa mga serbisyong ibinibigay nila. Karamihan sakanila ay depressed dahil hindi sila makapagipon ng maayos para sa kanilang pamilya. Magkano nga ba ang sweldo ng isang regular na nurse dito sa Pinas? Pang propesyonal ba ang kanilang sweldo? Ang oras na iginugugol nila sa trabaho ay tama lang ba para makapagpahinga sila ng maayos at makapagtrabaho ng mas mabuti sa susunod nilang shift?


Kapag nurse ka sa Pinas, problema mo palagi kung makakapag Christmas,New year, Birthday, Valentines o kaya naman Pyesta ng patay ka na kasama ang pamilya mo. Swerte mo na kung magkaroon ka ng 2 o 3 na occasion kasama ang iyong pamilya.

Problema mo din ang pagkain mo. Inuuna palagi ng mga nurses ang kanilang mga pasyente bago ang kanilang sarili. Ito ang rason kung bakit halos araw araw silang nalilipasan ng gutom, hindi sila kumakain sa tamang oras. Kung meron man silang oras para kumain, kailangan nilang bilisan dahil mag gagamot na ang kanilang mga paxente. Ang explanation naman dito ni Buangoi ay dahil ang mga Nurses ay si Eagleman, at hindi nag brebreakfast si Eagleman!


Kung nurse ka sa Pinas, ang saya mo na makita mo lamang ang kaendorse mo... pagdumadating sila tila may background music na kanta ng mga Anghel at may kasama pang Multi colored rainbow at Flammable fireworks... ngunit hindi ganyan palagi ang eksena sa loob ng hospital... Ang daming Nurses sa Pinas... ngunit bakit kailangan padin maranasan ng ating mga nurses ang mag duty ng dalawang araw na walang pahinga dahil lamang wala silang reliever? Ikaw kaya magtrabaho ng 16hours straight na walang pahinga , papayag ka ba? Ano pa kaya yung nagtrabaho ka ng 48 hours? Tingin niyo po ba makatarungan iyan? Tingin niyo po ba kinabukasan gusto niya pa magtrabaho para lamang sa katitingin na sweldo na natatangap nila? Minsan nga mas mahal pa pamasahe papunta sa hospital kesa sa sweldo nila. Pero bakit parin sila nagtitiis?


Kung Nurse ka sa Pinas, hindi lang pasyente ang pinoproblema mo araw-araw. Tinitiis mo ang mga masusungit at minsan bastos na Doctor/ kapwa Nurse at nursing aides. Tinitiis mo amoy ng bawat diaper na hinahawakan mo para lang ikilo ito. <opo nagkikilo po ng diaper na may laman ang mga nurses>. Tinitiis mo ang mga masusungit na bantay ng mga pasyente na ang laging banat sayo eh “ako ang nagpapasweldo sa'yo ah” <kung pwede lang silang banatan na “yan lang po ang serbisyong kinaya ng budget niyo, kaya tiis tiis po muna kayo hangang sa tumaas po yung sweldo ko” … o kaya naman “Volunteer po ako, wala po akong sweldo”> .






Not being appreciated with your work but being bashed with your simple mistakes




Tinitiis mo ang mga araw na feeling ng mga tao eh isda ka... bagyo na't lahat lahat kailangan mo padin pumasok sa hospital, kailangan mo lang magtransform sa isang bangus para makapasok lang, bukod pa dun wala kang hazard pay... <tanong: anong nangyayari kung nagkakasakit ang mga nurses?> siyempre pinipilit padin silang pumasok, dahil halos bawal magabsent kapag Nurse ka dito sa Pinas. Katiting na nga lang ang sweldo mo , magaabsent ka pa?, kabago bago mo pa lang , magaabsent ka na? …


Walang Hazard pay o kaya naman holiday pay ang mga Nurses dito sa Pinas. Overtime pay? Meron naman pero grabe ang trato ng ibang mga Clinic at hospital sa mga Nurses dito sa Probinsya.


Yan isa pa yan na tiniis ko... Overtime is no choice ka! Kahit ayaw mo or pagod kna, di pedeng di magduty... Yung mga kasama ko sa manila, 65per hour sila, ako alam mo magkano? 14pesos lang.. Nireklamo ko yan, ang sabi lang dahil galing ako province, ang pay ko dapat provincial din kahit sa metro ako nagwowork.. Unfair diba?
-Gee

Ano ang pinagkaibahan ng mga nagaral sa City at Province? Parehas naman silang nascreen ng board exam diba? Ano daw yun? Paki explain!!! labyu...


Nagtanong tanong ako sa iba't ibang mga nurses tungkol sa kanilang mga nursing experience. At karamihan sakanila ay dinadaing ang mga masasamang nangyari sakanila, so tinanong ko na din sila kung ano nga ba ang kanilang “worst nursing experience” . Ito ang mga sagot ng iba.


sisigawan ka at papahiyain sa harap ng mdameng tao ng "mayaman" na husband ng patient kase ndi sila inuna mo sa mahabang pila (w/c is first come first served dpat).. apparently, hindi ko sila kilala as a "VIP client" daw. that was pa naman my FIRST day din kase nag relieve lang ako. (nun clinic nurse pa ako). bwahaha! bwiset mga mayayaman, kala mo kung sino



Hindi po namin inihihiwalay ang mga mayayaman sa mahihirap kasi, iisa lang ang nakikita ng nurse sa Clinic. At iyan ay ang mga may sakit. Walang mayaman, walang mahirap. At kung may usapan man kayo ng Doctor, hindi naman po siguro namin kasalanan kung bakit hindi kayo ang inuna. Pasensya na po kung hindi po namin nakikita kaagad ang Rolex niyo, ang susi ng Toyota Fortuner na nakasabit sa pantalon niyo at Lacoste niyong sapatos. Pasensya na po talaga.



Haha ok lng work pero, yung job description mo hindi tugma.. Instead na di kana dapat maglinis ng dialysis machines kasi may biomed naman.. Need mo parin sila tulungan, need mo maglinis haha sila na maswerte.. Then nung ililipat na dapat ako sa urdaneta, gusto nila iprovincial rate ako.. 236php/day.. Na sad naman ako.. From here to urdaneta eh ang pamasahe ko na is 160 back n forth, sabihin mo ng 50 panglunch. Wala pko tubig.. Ang maiipon ko lng, 26pesos.. Lol pagod ko pa diba.. Hay inconsiderate sila.. Bukod pa dun, ang usapan is pagdating ko dapat ng urdaneta ako head nurse, ako pinaglakad nila ng mga permit ang mga clearance kc dpa bukas that time, tapos no reimbursements sa food and pamasahe, ang binibilang lng nila na reimbursements eh yung sa bus.. Pno kaya yun.. Madugas lng.. Nagresign nko.. Saklap noh?



Marami pong extra services na inoofer ang mga nurses dito sa Pinas, ngunit sana bigyan niyo naman po kami ng tamang compensation sa mga serbisyong binibigay namin. Hindi dahil hindi kami nagrereklamo sa sa dami ng gawain na ibinibigay niyo saamin, ay hindi na namin dinadamdam ito. Sana ang nilagay na lang sa Job description namin ay “Nurse/Katulong/Cashier/Manicurista/Technician/All around helper” kasi yan po ang inaral namin ng 4 na taon sa college, inipunan ng casses para makagraduate, nagbayad ng pagkamahal mahal para sa mga affiliations, Pinaghirapang hiramin ang mga libro ng ibang higher years kahit sira sira na ito, Umutang ng pangreview sa pinakamagandang review center na kaya ng budget...

Sa kabila ng pagkwekwentuhan ko sa mga Nurses na ito , Ang kaibigan ko na si Gee Anne ay nagbigay ng isang kwentong nakapagpangiti saakin. Na hindi rin pala puro hirap ang nararamdaman ng mga Nurses sa Pinas.

Hmm sa pph, nung sa DR ako, may mga misis na magbibigay ng food for all lalo na kung 1st born hehe.. Tapos yung iba bibigyan ka ng thank u card.. Nung nasa Ward naman.. Kapag may di mainsert na vein sa ER or sa ibang ward, ipapatawag ka kasi ikaw magaling eh.. Haha most of the time na cases na pinapatawag ako kapag dehydrated yung pt. kasi mahirap insertan yun at kung baby... Sa dialysis naman since chronic yun, yung patient mapapalapit xa sayo, pag dika masakit magtusok lagi ikaw ipapatawag.. Hehe tapos sa manila ganun din... Mayayaman kasi yung sa manila, puro sosyal. Aask nila kung what like mo for lunch, tokyo tokyo, jollibee or mc do.. Shark fin chinese food ganun.. One time sa manila, dko sinasabi na bday ko... Nalaman nung isang pt. na favorite ako.. Nagpabili xa ng 8boxes ng pizza sa pizza hut and isang bilao ng palabok ang drinks.. Tapos nagparush xa ng cake.. Hala.. Naiyak lng ako sa tuwa.. Nkalagay sa cake, to my favorite nurse.. Happy bday.. Ganun.. Hehe

Maraming Kwento ang mga nurses natin sa Pinas, Maraming magaganda, Marami ding mga panget. Lahat ng trabaho ay may kanya kanyang problema. At sa dami ng problemang iniisip ng mga Nurse dito sa Pinas, masasabi kong ang pagiging Nurse sa Pinas ay ang pinakadakilang trabaho sa lahat ng Propesyon.

“being overworked and underpaid is proof enough that Nurses work for the patient's smiles alone”
-Buangoi

Nurse din ako... Pero pinili ko maging Writer para maipahayag sa publiko ang kagandahan ng pagiging isang nurse... para po matulungan niyo kaming mga Nurse sa Pinas, ating pirmahan ang nakalagay na link sa baba para maipasa sa Gobyerno ang ating petisyon na pagandahin ang buhay ng mga Nurse sa Pinas. Maraming salamat !


No comments:

Post a Comment