ILANG ORAS NA ANG NASAYANG MO?
akda ni : BUANGOI
Sa araw araw mong pagtambay, tulog
at pag gawa ng mga walang katuturan na bagay sa buhay mo... naisip mo
ba kung ilang oras na ang nasayang mo?
Ating gawing ehemplo si Buangoi na
wala ring magawa ngayon kaya nagsusulat na lamang ng mga ganitong
bagay.
Binuksan ko ang account ni Buangoi
sa isang online game na tinatawag nilang “League of Legends”
madami na ang naadik sa larong ito, dahil sa graphics, gameplay at
pwede mong sabihan ang kalaban mo na minolestiya mo na ang nanay
niya. Ano ang aking nahanap sa loob ng account ni Buangoi?
1023 wins 974 losses. Yan ang
aking nahanap. Total games na nalaro = 1997 games. Sa isang laro
tumatagal ito ng 20 mins pinaka mabilis at sabihin na nating 60 mins
pinakamatagal. So may average na 40 mins bawat laro. 40 mins X 1997
games = 79,880 mins. Ibig sabihin 1331.33 hours yan o kaya naman 55.4
days. Yan ang dami ng oras sa pag lalaro ni Buangoi ng “NORMAL”
queue ng League of Legends. Iba pa ang Ranked games at custom games
niya.
Sa 55.4 days na yun, ano pa kaya
ang pwedeng gawin ni Buangoi na mas makabuluhan kesa sa paglalaro ng
LoL?
- Magaral kung paano maging Presidente
- magimbento ng mga bagay na hindi pa nagagawa tulad ng “water”
- idiscover kung saan lumalabas ang gatas ng mga aso
- gumawa ng music video ng SONA ni Pnoy
- Magaral kung paano mag tambling sa ibabaw ng cellphone
- Matuto ng bagong magic tricks tulad ng kung paano magkaroon ng girlfriend
- Manligaw
- Sumali sa Eat bulaga at sabihing ako si Kuya Kim na nakadisguise
- Magsulat ng 1000 lines ng “ako si buangoi na nakatira sa Northpole dahil gwapo ako” dahil lang namimiss ko ang Highschool life ko.
- Bumalik ng Seminaryo para iconfirm na ayaw ko mag madre
- Gumawa ng sariling Banda kasama ang sarili
- Magsulat ng bagong libro na hindi nanaman tatapusin
- Magbasa ng Libro na hindi ko tinapos
- Gumawa ng bagong cellphone gamit uling
- Magluto ng isaw sa loob ng gelatin
- maglinis ng bahay gamit toothpick
- Maghanap ng totoong trabaho
- Isipin kung bakit walang bagong GF yung tatay niyang patay na
- magGym ng lumaki naman ang muscles hindi puro taba lang
- magpa Pogi. <well hindi na kailangan eh>
Sa dami ng pwedeng gawin ni
Buangoi mas pinili niya na mag LoL na lang nung mga araw na yun.
Hindi niya naisip na gumawa na lamang ng isang blog tungkol sa
pagsasayang ng oras para lahat ng makakabasa eh masasayang din ang
oras nila.
Alam mo ba kung bakit mas pinili
ni Buangoi na maglaro ng computer games kesa sa mga sinasabi ninyong
“MAKATUTURAN NA MGA BAGAY”?
Iyan ay dahil “Masaya” si
Buangoi nung naglalaro siya ng LoL. Kung may ginagawa ka na sa tingin
mo ay walang maidudulot na maganda sa buhay mo, huwag mo muna isipin
na sinasayang mo ang oras mo sa bagay na iyon. Isipin mo muna kung
naging masaya ka ba nung ginagawa mo ang bagay na iyon. At kung sa
tingin mo na napangiti ka o kaya naman natuwa ka sa ginawa mo na
iyon, edi HINDI nasayang ang iyong oras. Huwag mo na isipin kung ano
pa ang sabihin ng iba tungkol diyan sa pagdrodroga mo. Huwag mo na
pansinin mga tindera sa sari sari store na sinesermonan ka sa pag
iinom mo ng alak gabi gabi. Kung masaya ka sa ginagawa mo , Walang
isang segundo na nasasayang.
Kaya huwag ka manghinayang kung
hindi ka sinagot ng nililigawan mo, huwag mo isipin na nasayang lahat
ng oras, pera at effort mo. Kung sa tingin mo napasaya mo sarili mo
nung mga araw na iyon, edi wag ka na magbitter dyan XD kung sa tingin
mo mas masaya ka nung natulog ka kesa nagaral, edi huwag ka magalit
na bumagsak ka. Kung mas masaya ka sa isang bagay na gusto mong gawin
kesa sa bagay na dapat mong gawin, hindi pag aaksaya ng oras ang
ginagawa mo kung gagawin mo ang mas masayang gawain.
Hindi ko sinasabing sirain mo
buhay mo dahil mas masaya ka magDroga at mag Laro ng computer games.
Sinasabi ko lang na kung masaya ka, hindi mo sinasayang ang oras mo.
Pero hindi ba mas masaya kapag mas maayos ang buhay mo at masaya ka
:)
No comments:
Post a Comment