Saturday, August 2, 2014

ILANG ORAS NA ANG NASAYANG MO?

ILANG ORAS NA ANG NASAYANG MO?

akda ni : BUANGOI



Sa araw araw mong pagtambay, tulog at pag gawa ng mga walang katuturan na bagay sa buhay mo... naisip mo ba kung ilang oras na ang nasayang mo?

Ating gawing ehemplo si Buangoi na wala ring magawa ngayon kaya nagsusulat na lamang ng mga ganitong bagay.

Binuksan ko ang account ni Buangoi sa isang online game na tinatawag nilang “League of Legends” madami na ang naadik sa larong ito, dahil sa graphics, gameplay at pwede mong sabihan ang kalaban mo na minolestiya mo na ang nanay niya. Ano ang aking nahanap sa loob ng account ni Buangoi?

1023 wins 974 losses. Yan ang aking nahanap. Total games na nalaro = 1997 games. Sa isang laro tumatagal ito ng 20 mins pinaka mabilis at sabihin na nating 60 mins pinakamatagal. So may average na 40 mins bawat laro. 40 mins X 1997 games = 79,880 mins. Ibig sabihin 1331.33 hours yan o kaya naman 55.4 days. Yan ang dami ng oras sa pag lalaro ni Buangoi ng “NORMAL” queue ng League of Legends. Iba pa ang Ranked games at custom games niya.

Sa 55.4 days na yun, ano pa kaya ang pwedeng gawin ni Buangoi na mas makabuluhan kesa sa paglalaro ng LoL?

  1. Magaral kung paano maging Presidente
  2. magimbento ng mga bagay na hindi pa nagagawa tulad ng “water”
  3. idiscover kung saan lumalabas ang gatas ng mga aso
  4. gumawa ng music video ng SONA ni Pnoy
  5. Magaral kung paano mag tambling sa ibabaw ng cellphone
  6. Matuto ng bagong magic tricks tulad ng kung paano magkaroon ng girlfriend
  7. Manligaw
  8. Sumali sa Eat bulaga at sabihing ako si Kuya Kim na nakadisguise
  9. Magsulat ng 1000 lines ng “ako si buangoi na nakatira sa Northpole dahil gwapo ako” dahil lang namimiss ko ang Highschool life ko.
  10. Bumalik ng Seminaryo para iconfirm na ayaw ko mag madre
  11. Gumawa ng sariling Banda kasama ang sarili
  12. Magsulat ng bagong libro na hindi nanaman tatapusin
  13. Magbasa ng Libro na hindi ko tinapos
  14. Gumawa ng bagong cellphone gamit uling
  15. Magluto ng isaw sa loob ng gelatin
  16. maglinis ng bahay gamit toothpick
  17. Maghanap ng totoong trabaho
  18. Isipin kung bakit walang bagong GF yung tatay niyang patay na
  19. magGym ng lumaki naman ang muscles hindi puro taba lang
  20. magpa Pogi. <well hindi na kailangan eh>

Sa dami ng pwedeng gawin ni Buangoi mas pinili niya na mag LoL na lang nung mga araw na yun. Hindi niya naisip na gumawa na lamang ng isang blog tungkol sa pagsasayang ng oras para lahat ng makakabasa eh masasayang din ang oras nila.

Alam mo ba kung bakit mas pinili ni Buangoi na maglaro ng computer games kesa sa mga sinasabi ninyong “MAKATUTURAN NA MGA BAGAY”?

Iyan ay dahil “Masaya” si Buangoi nung naglalaro siya ng LoL. Kung may ginagawa ka na sa tingin mo ay walang maidudulot na maganda sa buhay mo, huwag mo muna isipin na sinasayang mo ang oras mo sa bagay na iyon. Isipin mo muna kung naging masaya ka ba nung ginagawa mo ang bagay na iyon. At kung sa tingin mo na napangiti ka o kaya naman natuwa ka sa ginawa mo na iyon, edi HINDI nasayang ang iyong oras. Huwag mo na isipin kung ano pa ang sabihin ng iba tungkol diyan sa pagdrodroga mo. Huwag mo na pansinin mga tindera sa sari sari store na sinesermonan ka sa pag iinom mo ng alak gabi gabi. Kung masaya ka sa ginagawa mo , Walang isang segundo na nasasayang.

Kaya huwag ka manghinayang kung hindi ka sinagot ng nililigawan mo, huwag mo isipin na nasayang lahat ng oras, pera at effort mo. Kung sa tingin mo napasaya mo sarili mo nung mga araw na iyon, edi wag ka na magbitter dyan XD kung sa tingin mo mas masaya ka nung natulog ka kesa nagaral, edi huwag ka magalit na bumagsak ka. Kung mas masaya ka sa isang bagay na gusto mong gawin kesa sa bagay na dapat mong gawin, hindi pag aaksaya ng oras ang ginagawa mo kung gagawin mo ang mas masayang gawain.

Hindi ko sinasabing sirain mo buhay mo dahil mas masaya ka magDroga at mag Laro ng computer games. Sinasabi ko lang na kung masaya ka, hindi mo sinasayang ang oras mo. Pero hindi ba mas masaya kapag mas maayos ang buhay mo at masaya ka :)